Thursday, November 19, 2009

TOP 5: WANTED

hindi naman ako lumaki sa luho. satisfaction lang ang hangad ko. :)

mga bagay na gusto kong mapasa-akin: ^_^

1. puppy (gusto ko talaga pomeranian dahil cute sya at madaling alagaan dahil hindi ito lumalaki at bukod pa dito eh isa syang TOY DOG. ^^, pero dahil mahal at malimit ko lang makita sa mga buy and sell stores, eh naisip kong pumili na lang ng ibang lahi na katulad din sa character ng pom. nagandahan ako sa maltese. da best para sakin ang features niya at kung babasahin mo sa google ang kanyang character, tiyak magugustuhan mo rin siya ^^. kaso mahal din at bihira lang makakita ng ganung lahi dito sa Manila..kadalasan kasi sa Baguio pa siya o sa iba pang karatig bansa. hay sayang! nakita ko rin sa site ang kagandahan ng isang lhasa apso.. parang kasing-feature din niya ang shitzu, at mas mura pa kumpara sa ibang asong balbon. sayang lang dahil wala pa akong pambili nung mga araw na may nagbebenta sa presyo na 6,500 K pag male at 7, 500 naman sa female. oh diba mura na yun! lately, nakyutan ako sa japanese spitz. pure white ang hair at straight pa. napaka mura sa halagang 3K lang. actually, 3, 500 sya nung una (male) pero dahil mabait sa kin ung seller, binigay niya ng 3K, at 4K naman pag female..pwde hanggang 3, 8K. bongga! desperada akong bilhin na.. kaso wala pa akong datung. hay =(

2. cellphone with camera (yung malinaw.hehe) - ok na sa kin ung China phone, maganda naman sa paningin ko.hehe kaso madali raw masira.. kaya nga mura eh.haha. pero cguro pwede narin pagtyagaan muna habang yun pa lang ang kasya sa budget ko. pero kung magbago man isip ko, gusto ko samsung o nokia. sawa na ko sa ericsson kaya alis muna siya sa listahan. =)

3. tops and jeans, plus accesoriz (mahilig ako sa mga usong damit. gusto ko lage akong "in" pagdating sa style and fashion. ^^ sympre dagdag confidence yun.hehe.

4. ear piercing - (sa cartilage.haha!) napagisip isip ko, maganda ang may hikaw sa taas ng tenga..yung kita ang pakaw.hehe.. and in fact, hindi na siya pinagbabawal sa society except sa mga private schools. pero dahil graduate naman na ako, cool yan! =p)

5. capricorn tattoo design - ayos 'to! yun lang ang masasabi ko! haha. tignan niyo na lang sa likod ko sooner or later =)


...LAPIT NA ANG PASKO AT BDAY KO. ASAHAN KO ANG MGA REGALO NINYO! PWEDE NA ANG CASH! =))

No comments:

Post a Comment