ang pagkapasa sa exam... initial interview, final interview at maging sa group interview. (buti na lamang ay walang panel interview. pamatay na yun!!) hmmm... medyo expect ko na pala 'to. haha.
unang araw sa Maersk. isa akong tuod. nangangapa. tatanga tanga kahit sa pagpapaphotocopy lang eh parang di ako nagOJT. hehe. eh bakit ba! kelangan ba lahat ng tao alam magxerox?haha. tense ako ng mga oras na to. di alam ang unang gagawin. dun ko nalaman na wala pala akong initiative thinking. hahaha. at pangalawa, kelangan dinidetalye lahat sakin mga gagawin dahil pag hindi papalpak ako at papalpak. haha.
dahil wala pang task na binibigay sakin.. nagobserba muna ako habang nakaupo sa manager's desk. bongga!haha. absent kase siya. kaya dun muna ako pinaupo.
unang impresyon sa mga empleyado.. seryoso pero mukhang makakasundo ko. kabado man ako pero kutob kong mageenjoy ako.
unang task sa unang araw.. kumolekta ng requirements, nagsort/nagfile, at nagencode.. alin dito ang di ko inaasahan?.. ang tambakan ng PAPEL! PAPEL! at marami pang PAPEL! isa pang di ko inaasahan?.. ang matapos nang alas otso i-medya ng gabi!! huwaw!! takot ko lang magisa sa pinakataas na palapag ng gusali habang nagtatype sa isang sulok at dulo ng kuwarto. grabe naman pala ang trabahong ito. whew! pwede humingi ng tulong?? :|
hmmm... pangalawang araw.. syempre marami pa kong di alam.. at nangangapa parin sa gagawin. natural na magtatanong ako.. una sa lahat hindi masama magtanong.. smart people ask questions. at hindi ako si "know-it-all" kaya kelangan ko malaman ang mga bagay na hindi ko pa natutunan noon, nung isang araw at kahapon. ang di inaasahan..
me: (tense) ahm, ma'am saan po makikita yung access pin ko sa microsoft outlook?
Ms. may sayad sa utak: (sarcastic look) hindi ka OJT dito, empleyado ka dito.. you should look for your own.. blah..blah..blah..blah..
me: (natameme).. aah okay po, ma'am.. (@ the back of my mind.. shet ang wirdo mong supervisor ka! ang lakas ng sapak mo! malamang nakalimutan mo nang pangalawang araw ko pa lang dito! ni hindi ko nga alam kung para san yung access pin na pinapahanap mo! haha baka parehas tayong bobo. hehehe peaceeeee! ^^
maya maya... biglang lumapit nanaman sakin si ms. may sayad sa utak.. akala ko narinig niya yung laman ng isip ko kanina.. hahaha halimaw siya kung ganun. wahahaha!
ms. msuk (may sayad sa utak): uhm jas, (sarcastic again) you know your task of an HR right? filing of the pre employement requirements, and the top 4 requirements such as BPI, BIR, Pagibig and Phil Health plus the SSS, and lots of clerical work.
me: yes ma'am. (thinking like a shit!)
ms. msuk: and not only that.. phonescreening, encoding, etc. etc. etc... blah..blah..blah..blah (100 times).. these are the everyday tasks of ms. Marjo, and yet she can finish all these works in just one day. so im expecting you to do your job as early as now and finish them all because there are lots of things to do, not only that. (pointing at the papers). then if you can't, i will assign your tasks to anybody else.. etc. etc..
me: (speechlessssssss!!) okay po, ma'am. (wondering why she said all of those fuckin words to me)..
...habang ginawa ko ang task ko, napapaisip ako bakit niya nasabi ang mga bagay na yun.. may nasabi ba akong ayaw ko yung trabaho ko? or nagreklamo na ba ako sa kanila? o baka naman nakikita nilang papatay patay ako? huwaaaat! proprotesta ako dyan!! hindi nila pwdeng sabihin sakin yun noh.. dahil kitang kita naman ng iba ang sipag at tyaga ko sa mga CLEEERRRIIICCCAAAALLLLLL WOOOORRRKKKK na yan!!!!! eh helllloooooowwww ako lang kaya ang gumagawa ng tnatrabaho ko.. multitasking ba kan'yo???? okaaaayyyy.. kaya to! kaya! cge utos dito, utos dyan! paiba iba ng ginagawa. wala nang focus. so wat do u expect from my performance?? performance ng robot sa japan?? o robot dito sa pinas?? :| tingin nyo bibilis ang trabaho ko non sa dami nang TAAASSSSKKKSSSS na pinapagawa na ako lamang ang gagawa? hay.. baka naman ms. may sayad sa utak, tignan mo muna performance ko sa susunod pang mga araw bago mo husgahan ang work performance ko sa departamento nyo. at baka naman pepwede na hinay hinay ka lang sa pananalita dahil wala ka pang edad trenta kung makasalita ka eh parang mas matanda ka pa sa nanay ko at sa general manager niyo!
..(baka napapaisip kayo kung... hmm, oo tama kayo galit na galit ako! haha)
2nd day ko sinigurado kong tatapusin ko ang trabaho ko ng maaga para maaga rin ako makapag-out. buti na lang ay di masyado madami ang ginagawa ko kaya 7:30 pm pa lang eh nakapagout nako.
.
.
.
di ko inaasahan.. (nalaman ko lang 'to after a week mula sa isang katrabaho na naging close ko narin sa mga sumunod pang araw).. hinanap niya ako kay ms. msuk! pero nakapagout na ako ng mga oras na yun. ang sagot niya kay Zhien.. i don't care kung umuwi na siya as long as tinapos na niya ang task niya.
.
.
.
at sympre nagreact ako sa kwento niyang ito.. di ko na lang ganun dinibdib dahil alam ko namang may topak siya kaya ganun siya sumagot lalo na sa mga katulad kong hindi niya 'feel'.. insecure ata siya.haha. eh pano nagsuot ako minsan ng blouse na parang ako pa ang manager o supervisor ng hr team. hahaha natalbugan ko ata beauty niya haha. kaya ganun siya makitungo sa kin kahit maganda ang pinapakita ko sa opisina. hay di talaga maiiwasan ang mga taong ganyan. pagpasensyahan na lamang.. isa pang di ko inaasahan, akala ko makakasundo ko siya/sila.. HINDI PALA! :|
pangatlong araw at sa mga sumunod pang araw...
busy ako at tila mukha na akong pigurin.. (pero kung anong klaseng pigurin, gusto ko dolphin. haha!) bakit pigurin? dahil kahit sigawan mo ako, daldalin, patawanin (pwera lang kilitiin ah at kurutin. haha) di ako magrereact sayo. B-U-S-Y nga ako eh!! haha. kinakarir ko ang pagtatrabaho sa lintik na kumpanyang 'to. di ko inaasahan na ganito ang magiging experience ko towards sa trabaho at sa tao. siguro matitiis ko pa ang magtrabaho ng sagadsagaran.. walang salita-salita.. break time (except lunch break sympre!) at walang pahinga KUNG MASAYA KASAMA AT MAGANDANG PAKISAMAHAN ANG MGA KATRABAHO KO SA HR! eeeehhhhh ang kaso kabaliktaran sa inasahan ko. "expect the unexpected, ika nga." pero anong magagawa ko, positive thinker ako eh! hmpfff!
5th day ko sa trabaho... huwaw!! da best ang araw na 'to. 9 am to 6 pm ba kan'yo ang regular schedule ko? plus overtime..? grabeeeee naman pala ang overtime dito. siguradong yayaman ako sa ot pay nyan at di na kikita ang kumpanya sa kakaOT ko. hahahahaha! linawin niyo mata niyo dito ha... 11 PM na ko nakapag time out. 9 am to 11 pm ako sa opis!! record breaker ba ito. haha! maghanap ng files, files, files, files, files, files... xerox, xerox, xerox, xerox, xerox.... at hanapin ang mga files, files, files, files na DI MAKITA NG TOPAKIN KONG SUPERBISORRRRR! kaya naman ako ang naghanap dahil.. oo nga naman trabaho ko rin pala ang humalughog ng 201 files at requirements sa locker!! at sa mga boxessssss! hr assistant slash KATULONG ng hr supervisor :| buruin mo nagtagal ang OT ko kakahanap ng files na wala naman pala talaga sa lugar na pinaghahanapan ko. KULEEEET mo kase eh. sinabi ko na ngang WALA! puro ka imposible. eh ikaw kaya magisa mo maghanap baka maging posible. HAHAHAHA. kung may otoridad lang akong sabihin ang mga to sayo sinabi ko na sa harap mo at sa manager. wahahahaa! kaso wala ako lakas ng loob and besides MABAIT AKO! haha.
days had passed...
as usual.. busy parin ako..minsan pag sineswerte walang ginagawa pero busy-busyhan parin dahil baka mapuna nanaman ako ng topakin kong boss eh paghanapin nanaman ako ng mga files na kailangan niya.. which is ganun na nga ang nangyare haha. nagphophone screen rin pala ako.medyo nakakabato lang dahil matagal akong nakaupo buti na lang naiihi ako at dahil don nakakatayo ako at nakakapaglakad kahit papuntang C.R lang. haha.
word for everyday: CLERICAL WORK! haha
2nd FRIDAY ko sa Maersk. binagsakan ako ng... (hindi papel, hindi rin telepono) kundi LANGIT AT LUPA! haha pero tingin ko hindi langit eh. LUPA AT LUPA. impyerno kase ang naramdaman ko. haha. eto ang kwentong di inaasahan...
me: umm, ma'am.. ung i.d ko po (soft voice) inulit ko dahil feeling ko di niya ko narinig dahil mahina nga naman.. ma'am.. ung i.d ko po (soft voice pa rin)
nagulat ako nang sumigaw siya...
ms. topakin: OO! NARINIG KO! DI MO KAILANGAN PAGTAASAN AKO NG BOSES! DAIG MO PA KO KUNG SUMIGAW AHHHH! (sabay abot ng i.d ko at walk-out)
me: (pekeng smile) ma'am di ko po kayo pinagtaasan ng boses.. (kinuha ung i.d ko) thank you po ma'am. :|
... pagkaalis niya deadma lang muna ako.. habang piniprint yung SSS employment report.. mga ilang segundo lang eh bumagsak na luha ko.. pigil na pigil iyak ko pero kahit anong pigil.. di ko talaga mapigilang di umiyak. huhuhuhuhu!! ibang klase talaga yang supervisor na yan!! halimaw magalit. at nakapagatataka dahil bakit ganun ang naging reaksyon niya?? yan ang malaking katanungan sa isip ko na hanggang ngayon natatanga pa rin ako. pero kahit ano pa ang dahilan niya, alam ko mabigat ang loob niya sa akin with no good reasons. ganun din naman ako sa kanya.. sigawan ka ba naman at pahiyain sa loob ng ofis. imagine, ang taas ng respeto ko sa kanya.. sobrang galang ko at nahihiya pa nga akong iapproach siya para kunin i.d ko.. at kahit ivideo mo pa. sana nga may hidden cam dun para makita nila ang kabaliwan ng boss ko. hindi appropriate ung response niya sa kin. balibaliktarin mo man ang sitwasyon, siya ang may mali. sana nga sinigawan ko na lang siya at pinagtaasan ng boses para naman hindi na ako nagproprotesta ngayon ng palihim. hahaha. anyway, kailangan intindhin ng psych. graduate ang isang may attitude problem. hahahahahaha! sana pilya ako, at pag may nakita akong kalbo o sasakyang kuba, napendong peace ko sya! haha. oh edi masaya :)
di ko talaga inasahang mangyayari sa akin lahat ng ito.. ang magtrabaho ng hindi masaya.. ang makatrabaho ang mga hirap pakisamahan at di ko makasundo. kahit yung mga klasmeyts ko nung college na naging kaofficemate ko, hindi ko maasahan sa pagfile o pagencode man lang. araw-araw tuwing papasok ako sa bldg. na yun.. ang bigat ng loob ko. hindi ko maappreciate na may trabaho na ako. parang ginagawa ko to dahil kailangan pero di ko gusto. ang hirap pakibagayan yung emosyon ko sa social situation. gabi gabi naiiyak ako. ang stresful talaga ng stay ko dun. kulang na lang sakin stress tabs. haha.
meron akong natutunan.. aanhin mo ang pera kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo. balewala ang sweldo kung maliit lang naman 'to. kulang pa sa pinaghirapan mo.. it's not worth it. kaya nararapat lang na magresign ka na kung di mo nakikita ang happiness mo at maging ang accomplishment mo. ayyy teka.. may naaccomplished ako.. ang tapusin i-file at inencode plus print ang mga SSS, BIR, Phil Health, Pagibig and BPI forms ng mga 80 new hires within 5 days all by myself. bongga! :) ang plastik ko! as if nasiyahan ako sa ginawa ko. haha. nagpaalipin lang ako dun. leche! tas mababa naman ang sweldo. sana nag crew na lang ako sa mcdo o KFC.. mabubusog pa ako sa fries at manok! plus icecream :D
pinaka di inaasahan na eto lamang ang nagustuhan ko... ;)
napaaga ang end of contract ko.. imbes na hanggang Nov. 27 ako, eh naging Nov. 7 na.. bakit? they need LESS employees.. pero tingin ko may BIAS na naganap. pero kung ganun man yun, wala na akong pakealam. masyado nang mabigat ang loob ko sa supervisor ko na un.. kung mageextend man kami, hindi rin ako magtatagal.. kaya mabuti nang habang maaga pa pinatalsik na nila ako bago pa man ako magreklamo sa kanila at magresign. wahahaha! di talaga mawawala ang crab mentality sa tao. bahala na ang Diyos sa mga yan. :) hmm.. tatlong linggong pagtatrabaho.. ayos na rin. at least ive learned.. work experience is important to know your skills, strengths and weaknesses at work, and how long u extend ur patience. :)